Huwebes, Oktubre 1, 2015

BENEPISYO AT INAASAHANG RESULTA
Masasabi natin na ang paggamit ng isang paraan ay naaayon sa pamantayan at layunin ng pagsasalin at ng taong nagsasalin. Kung ang layunin lamang ay naisalin sa lalong napaka-episyenteng pamamaraan, ang pagbabaybay ng mga salitang Ingles sa pamamaraang Filipino ang pinakamabisa. Kungang nais naman ay makuha at maunawaan ang kahulugan ng konsepto, marahil ang maugnaying pamamaraaan ay mabisa.
Ang pagsasaling-wika ay mahalaga hindi upang magamit ng mga actor at participant sa larangan ng negosyo ngunit upang maunawaan ng mga ordinaryong mamamayan kung papaano ang mga konsepto at gawaing akademiko at negosyo ay nakaaapekto sa kanilang buhay. Marahil kahit anong pamamaraan sa pagsasaling-wika ay katanggap-tanggap.

Biglang panghuling pananalita, higit na mahalaga ay maunawaan ang mga konseptong ito sa wika at sa diwang Pilipino. Matapos maunawaan ay magamit ang saling-wika sa pagpapatakbo, pagpapatatag at pagunlad ng ekonomiya.
DISENYO NG PROYEKTO: ADBOKASIYA
Ito ay mga halimbawa na mga salitang hind kayang isalin ng direkta. Dito natin makikita o lubhang maiisip ng mga partisipant kung ano ang dapat na maging salin ng bawat salita. Bigyan natin ng pansin ang isa sa mga halimbawang:
FILIPINO
INGLES
Si pedro ay nanood ng sine.
Pedro movie a saw.
Nanood ng sine si Pedro
Saw Pedro a movie.
Nanood si Pedro ng sine.
Movie pedro a saw.
Sine ang pinanood ni Pedro.
A movie saw Pedro.

Makikita natin dito na hindi lahat ng salita o pangungusap ay kayang gamitan ng “kung iyon ang dinig, yun ang baybay” may mga oras talaga na kailangan nating pagpalitpalitan ang pwesto para mas malinaw nating maunawaan ang pinapahawatig ng tagapag salita. Alam din natin na ang tama na sagot sa halimbawa ay “Pedro saw a movie”.


RASYUNAL, MITHIIN AT MGA LAYUNIN

    Makikita natin sa ideyang ito na hindi lahat ng salita ay kayang isalin ng basta basta. Maaaring hindi maganda itong pakinggan o ang maging sala ang lahat ng salita sa isang pangunugsap.

Importante ang pagsalin ng wika upang hindi maging hadlang ang wika sa pakikipagkomunika sa mga dayuhan. Sa pamamagitan ng pasaling ng wika nagkakaisa ang iba't ibang kultura. Ang pagsasalin ng wika ay kinakailangan sa negosyo para maibahagi ng klaro ng isang negosyante kung ano talaga ang kanyang layunin upang maiwasan ang hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng mga negosyante. Ang pagsasalin ay ang pagpapahayag kung ano ang eksaktong gustong sabihin ng isang tao.




 MUNGKAHING TITULO O PANGALAN NG GAWAIN

          Ang mga tao ngayon ay binabaybay ang mga salitang Ingles sa pamamagitan ng episyenteng pamamaraang nagsasaad na “kung ano ang dinig, iyon ang baybat”.


    
PANIMULA/KALIGIRAN

        Maraming layunin ang pagsasalin-wika batay sa kalagayan at pangangailangan ng isang lipunan.  Sa larangan ng ekonomiks at kalakalan, Ang pagsasaling-wika ay naghahangad na maiugnay ang mga tao at sektor na pontensyal na tanggihan sa proseso ng globalisasyon. Ikalawa ang partisipasyon ng mga ordinaryong mamamayan sa kalakalan at negosyo ng ekonomiya ay lalong mapalalawak kung ang mga dayuhang termino at konsepto ng ginamit sa kalakalan ay mauunawan nila sa wikang ginagamit ng nakararami.

          Mahalgang kasangkap ng panlipunang kapital ang wika na ang gamit ay gawing episyente o mabisa ang mga transaksyon sa isang ekonomiya. Dahil ito ay instrument na namamagitan sa mga tao, may kakayahan itong maging susi sa integrasyon ng isang lipunan. Subalit kung ang lipunan ay pinamumugaran ng maraming wika, o may nagngingibabaw na wika sa paligid ng maraming wika, hindi nagagampanan ng wika ang kakayahan nitong pag-ugnayin ang mga tao, mga sektor, mga lugar sa isang lipunan. Samakatwid, di episyente na gang mga transaksyon ekonomiko. Ang ganitong kalakaran ay maaaring maging sanhi ng mabagal na pagsulong bunga ng magastos na paggamit ng mga produktibong sangkap.

          
   Ang wika ay hindi lamang isang instrument na nag-aayos at nagpapaunlad sa isang lipunan. Tulad ng nabanggit na, inaayos ng wika ang mga transaksyon ng mga tao upang magawa at magamit ang mas malawak na yaman. Ang maayos na transaksyon ay ay nauuuwi sa mabisang paggamit ng mga yaman sa isang lipunan at nakapagbibigay ng daan tungo sa pinakamataas na antas ng kagalingan habang tinutungunan ang mga pangunahing kagustuhan ng mga tao.