Huwebes, Oktubre 1, 2015

BENEPISYO AT INAASAHANG RESULTA
Masasabi natin na ang paggamit ng isang paraan ay naaayon sa pamantayan at layunin ng pagsasalin at ng taong nagsasalin. Kung ang layunin lamang ay naisalin sa lalong napaka-episyenteng pamamaraan, ang pagbabaybay ng mga salitang Ingles sa pamamaraang Filipino ang pinakamabisa. Kungang nais naman ay makuha at maunawaan ang kahulugan ng konsepto, marahil ang maugnaying pamamaraaan ay mabisa.
Ang pagsasaling-wika ay mahalaga hindi upang magamit ng mga actor at participant sa larangan ng negosyo ngunit upang maunawaan ng mga ordinaryong mamamayan kung papaano ang mga konsepto at gawaing akademiko at negosyo ay nakaaapekto sa kanilang buhay. Marahil kahit anong pamamaraan sa pagsasaling-wika ay katanggap-tanggap.

Biglang panghuling pananalita, higit na mahalaga ay maunawaan ang mga konseptong ito sa wika at sa diwang Pilipino. Matapos maunawaan ay magamit ang saling-wika sa pagpapatakbo, pagpapatatag at pagunlad ng ekonomiya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento