Huwebes, Oktubre 1, 2015

PANIMULA/KALIGIRAN

        Maraming layunin ang pagsasalin-wika batay sa kalagayan at pangangailangan ng isang lipunan.  Sa larangan ng ekonomiks at kalakalan, Ang pagsasaling-wika ay naghahangad na maiugnay ang mga tao at sektor na pontensyal na tanggihan sa proseso ng globalisasyon. Ikalawa ang partisipasyon ng mga ordinaryong mamamayan sa kalakalan at negosyo ng ekonomiya ay lalong mapalalawak kung ang mga dayuhang termino at konsepto ng ginamit sa kalakalan ay mauunawan nila sa wikang ginagamit ng nakararami.

          Mahalgang kasangkap ng panlipunang kapital ang wika na ang gamit ay gawing episyente o mabisa ang mga transaksyon sa isang ekonomiya. Dahil ito ay instrument na namamagitan sa mga tao, may kakayahan itong maging susi sa integrasyon ng isang lipunan. Subalit kung ang lipunan ay pinamumugaran ng maraming wika, o may nagngingibabaw na wika sa paligid ng maraming wika, hindi nagagampanan ng wika ang kakayahan nitong pag-ugnayin ang mga tao, mga sektor, mga lugar sa isang lipunan. Samakatwid, di episyente na gang mga transaksyon ekonomiko. Ang ganitong kalakaran ay maaaring maging sanhi ng mabagal na pagsulong bunga ng magastos na paggamit ng mga produktibong sangkap.

          
   Ang wika ay hindi lamang isang instrument na nag-aayos at nagpapaunlad sa isang lipunan. Tulad ng nabanggit na, inaayos ng wika ang mga transaksyon ng mga tao upang magawa at magamit ang mas malawak na yaman. Ang maayos na transaksyon ay ay nauuuwi sa mabisang paggamit ng mga yaman sa isang lipunan at nakapagbibigay ng daan tungo sa pinakamataas na antas ng kagalingan habang tinutungunan ang mga pangunahing kagustuhan ng mga tao.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento