BENEPISYO AT INAASAHANG RESULTA
Masasabi natin na ang
paggamit ng isang paraan ay naaayon sa pamantayan at layunin ng pagsasalin at
ng taong nagsasalin. Kung ang layunin lamang ay naisalin sa lalong
napaka-episyenteng pamamaraan, ang pagbabaybay ng mga salitang Ingles sa
pamamaraang Filipino ang pinakamabisa. Kungang nais naman ay makuha at
maunawaan ang kahulugan ng konsepto, marahil ang maugnaying pamamaraaan ay
mabisa.
Ang pagsasaling-wika ay
mahalaga hindi upang magamit ng mga actor at participant sa larangan ng negosyo
ngunit upang maunawaan ng mga ordinaryong mamamayan kung papaano ang mga
konsepto at gawaing akademiko at negosyo ay nakaaapekto sa kanilang buhay.
Marahil kahit anong pamamaraan sa pagsasaling-wika ay katanggap-tanggap.
Biglang panghuling
pananalita, higit na mahalaga ay maunawaan ang mga konseptong ito sa wika at sa
diwang Pilipino. Matapos maunawaan ay magamit ang saling-wika sa pagpapatakbo,
pagpapatatag at pagunlad ng ekonomiya.